Pag-Asa
Monday blues... Wala pa gana para magtrabaho... >_< At na-inspire ako magsulat dahil sa isang kwentuhan nung weekend hehehe.
Sa
proseso ng ligawan or getting-to-know or kung ano man yung tawag dun sa
stage na medyo obvious na may gusto si lalaki kay babae or vice versa,
minsan ang tanong eh "may pag-asa ba ako?" Madali lang sagutin yan eh.
Oo or hindi lang naman ang sagot, di ba?
Pero ang mas mahirap na tanong eh, pag binigyan mo ba ng pag-asa, binibigyan mo na rin ba sya ng karapatan? Karapatang magselos? Malaman ang bawat galaw mo, pati skedyul mo? Mag-astang boypren/gelpren?
Ito ata ang pinaka-misunderstood na question sa mundo, at kadalasan di alam ng mga tao na ang PAG-ASA ay hindi OO. Naalala ko dati may isang taong binigyan ko ng pag-asa, sabi ko "siguro pag-graduate pwede." Eto naman si mokong, aba nakikipag holding hands
na saken! Tapos pag may ibang umaaligid, aba nagagalit ang lolo nyo!
Dahil dun, nasakal ako. Anlabo no? Di pa nga kami, sakal na ako hahaha.
Ayan tuloy, dahil sa pag-asa na yan, nasira ang aming pagkakaibigan.
Dalawang
dahilan lang ang pwede kong mabigay kung bakit nagbibigay ng pag-asa
ang isang tao. Una, dahil talaga namang may pag-asa, at like rin ni
boy/girl si manliligaw (yihee!). Yung pangalawang dahilan, at masama
ito tandaan nyo, ay ang pagbibigay ng pag-asa dahil ayaw makasakit.
Technically, pag binigyan mo ng pag-asa ang isang tao, ibig sabihin nito ay may possibility na maging kayo. Take note: POSSIBILITY lang. Pwede rin hindi mangyari (Murphy's law: anything that can go wrong, will go wrong).
So technically, wala pa din karapatan ang boy or girl na binigyan mo ng
pag-asa na mag-astang ka-relasyon mo. Kasi HINDI pa kayo eh. Pwede LANG
maging kayo, pero hindi PA.
Ang kadalasang nangyayari kasi, pag
binigyan na ng pag-asa, nagfi-feeling na. Feeling. Assuming. Kapalmuks
in other words. Okay lang naman kung mag-feeling kung gusto rin ng
nililigawan mo. Yung pag-asang dahil like ka rin nung isa, malamang
magiging kayo nga. Pero kung yung pag-asa dahil ayaw ka lang masaktan,
aba'y delikado ka dyan, tsong. Baka sampalin ka lang sa pagfi-feeling
mo.
Ang bottom line lang ng aking mahabang pagsasalaysay ay:
Kalimutan mo na ang pagbibigay ng pag-asa dahil ayaw mong makasakit.
Saktan mo na lang habang maaga pa, kaysa baka magpakamatay pa yan dahil
sa sobrang asa. Or mas mabuti pa siguro kung di na lang tinatanong yung
"May pag-asa ba ako?"
Proclaimed by
at 10:38 AM | Be a Genius

